Tuesday, August 27, 2019

Para sa Susunod na Henerasyon

Image result for aesthetic old libraryImage result for vintage aesthetic old pictures alphabets  Napadako ako sa isang  lumang silid  aklatan at napako ang aking paningin sa isang larawan. Nabalot ng makakapal na alikabok at ang ugong ng mga lumang mesa na tila ba'y may mga taong  nagmamasid sa kapaligiran. Isang lumang libro ang umagaw  ng aking pansin may iba't-ibang disenyong hula ko'y gawa sa matigas na materyal at ang mga letra nito'y nakaukit sa gintong papel na pagkakamalan  mong isang diyamante sa sobrang kinang! Binuksan ko ito  at sumalubong ang labis na nakakasilaw na pahina na nagsasaad ng pamagat na  "Para sa Susunod na  Henerasyon".  Muli kong pinagana ang aking mapaglarong isipan at siniyasat ang mga natitirang mensahe ng aklat. Naka tala sa mga libro ang mga makasaysayang panitikan ng ating mga ninuno na nagmumula sa  iba't-ibang sulok ng bansa. Iba't-ibang wika ang nagamit ngunit ang pagkakaibahang ito ay lumikha ng isang napakagandang sining bunga ng mga malilikhaing isip ng ating mga ninuno.
Image result for baybayin aesthetic wallpaper
Labis akong humanga sa kanilang katalinuhan noong nakita ko mismo sa aking mga mata ang kagandahan at ang perpektong pagkasulat ng  lumang alpabeto--ang baybayin. Ang Abakada, ang dahon at tinta  kasabay ng  paglipas ng mga kanilang pamana sapagkat ang mundo'y nabubulag  na sa mga pandayuhang mga wika at kultura. Sa pagbuklat ko ng susunod ng  pahina, tuluyang na ngang kumupas ang mga tinta nito  sapagkat hindi na naaalagaan.  Wala  na ngang nagpapayaman  at prumoproketa sa mga larawang  kupas sapagkat ang tao'y nakatuon na ang atensyon  sa uso at modernisasyon.  

Ngunit ang munting tinig ng taong nasa libro,  parang  hanging  bumubulong sa aking tabi, at  nagsasabing, ako ito, ang iyong Wikang tinalikuran. Ako ito, ang wikang iyong  pinagpalit at piniling sukuan.  At  higit sa  lahat,  ako   ito,  ang iyong  wikang minsan ng pinaglaban ng mga bayaning tuluyan nyong tinalikuran. Ako ito, ang iyong inang bayan. 

Related imageBumalik ako sa ulirat at napagtanto kong, hindi lang sa buwan ng Agosto  dapat ipagyabong at ipagdiwang ang wikang Filipino kundi, sa pang araw-araw natin ay dapat itong ipagmalaki at gamitin. Matatawag  mo bang bansa ito kung ang mga wika  ay ginagaya lang  naman at hindi orihinal? Hindi. Imbis na ikahiya ito,  hinihikayat ko kayong  mga kapwa kong Filipino, na wag nating ikahiya bagkus ay ating ipagmalaki ang sariling atin. Ngayong buwan ng Wika, nawa'y pahalagahan natin ang ating sariling wika at sana ay gamitin  natin ang ating iba't-ibang wika para mapayaman ang ating  kultura. Sama-sama tayo sa isang bansang Filipino. Ikaw, sasama ka ba sa paglalayag?


Reference:

No comments:

Post a Comment

Long We Reign

As I embark through the new chapter of my life and as I leave this year's memories behind the four corners of our ICT room, I can hea...