
Napadako ako sa isang lumang silid aklatan at napako ang aking paningin sa isang larawan. Nabalot ng makakapal na alikabok at ang ugong ng mga lumang mesa na tila ba'y may mga taong nagmamasid sa kapaligiran. Isang lumang libro ang umagaw ng aking pansin may iba't-ibang disenyong hula ko'y gawa sa matigas na materyal at ang mga letra nito'y nakaukit sa gintong papel na pagkakamalan mong isang diyamante sa sobrang kinang! Binuksan ko ito at sumalubong ang labis na nakakasilaw na pahina na nagsasaad ng pamagat na "Para sa Susunod na Henerasyon". Muli kong pinagana ang aking mapaglarong isipan at siniyasat ang mga natitirang mensahe ng aklat. Naka tala sa mga libro ang mga makasaysayang panitikan ng ating mga ninuno na nagmumula sa iba't-ibang sulok ng bansa. Iba't-ibang wika ang nagamit ngunit ang pagkakaibahang ito ay lumikha ng isang napakagandang sining bunga ng mga malilikhaing isip ng ating mga ninuno.

Labis akong humanga sa kanilang katalinuhan noong nakita ko mismo sa aking mga mata ang kagandahan at ang perpektong pagkasulat ng lumang alpabeto--ang baybayin. Ang Abakada, ang dahon at tinta kasabay ng paglipas ng mga kanilang pamana sapagkat ang mundo'y nabubulag na sa mga pandayuhang mga wika at kultura. Sa pagbuklat ko ng susunod ng pahina, tuluyang na ngang kumupas ang mga tinta nito sapagkat hindi na naaalagaan. Wala na ngang nagpapayaman at prumoproketa sa mga larawang kupas sapagkat ang tao'y nakatuon na ang atensyon sa uso at modernisasyon.
Ngunit ang munting tinig ng taong nasa libro, parang hanging bumubulong sa aking tabi, at nagsasabing, ako ito, ang iyong Wikang tinalikuran. Ako ito, ang wikang iyong pinagpalit at piniling sukuan. At higit sa lahat, ako ito, ang iyong wikang minsan ng pinaglaban ng mga bayaning tuluyan nyong tinalikuran. Ako ito, ang iyong inang bayan.
Bumalik ako sa ulirat at napagtanto kong, hindi lang sa buwan ng Agosto dapat ipagyabong at ipagdiwang ang wikang Filipino kundi, sa pang araw-araw natin ay dapat itong ipagmalaki at gamitin. Matatawag mo bang bansa ito kung ang mga wika ay ginagaya lang naman at hindi orihinal? Hindi. Imbis na ikahiya ito, hinihikayat ko kayong mga kapwa kong Filipino, na wag nating ikahiya bagkus ay ating ipagmalaki ang sariling atin. Ngayong buwan ng Wika, nawa'y pahalagahan natin ang ating sariling wika at sana ay gamitin natin ang ating iba't-ibang wika para mapayaman ang ating kultura. Sama-sama tayo sa isang bansang Filipino. Ikaw, sasama ka ba sa paglalayag?
Reference: